|
Filipino CongregationLanguage: Tagalog Malugod po namin kayong binabati aming mga kababayan, kapamilya at kapuso sa Filipino Congregation dito po sa Beijing International Christian Fellowship (BICF). Kung kayo’y naririto po sa Beijing, ang aming mainit na paanyaya ay aming ipina-aabot sa inyo. Ang Filipino Congregation ay isa sa mga labing tatlong kongregasyon ng BICF. Ang pangkat ay binubuo ng mga Filipino Expats na magkakaiba ang simbahang pinanggalingan, subalit nagkakaisa sa pagsamba sa Panginoong Hesus. Meron pong pananambahan tuwing Linggo, Ika-11:30 ng umaga hanggang ika-1:00 ng hapon sa 21st Century Hotel, 2nd Floor, Chapel B, Liangmaqiao Lu, Chaoyang Disctrict. Beijing. Ang iba pang mga pagtitipon ay ang mga sumusunod: Prayer Meeting:Tuwing 2nd & 4th Saturday ng buwan, ika 6:00 ng gabi – 8:00 ng gabi Pag-aaral ng Biblia sa Mga Small GroupNanshilijiu Tuanjiehu Area Special Interest Group Ladies Group At kung nais po ninyong magkaroon ng magandang ala-ala sa inyong kaarawan, makisalo at makisaya sa buwanang padiriwang ng kaarawan tuwing ikatlong Linggo ng buwan. Ang naturang pagdiriwang ay bahagi ng pananambahan upang maibsan ang pangungulila natin sa ating lupang sinilangan at isang magandang pagkakataon upang ang mga Pilipino ay lubusang magkakilanlan at makakikilala ng mga bagong kaibigan. English version:Welcome to Filipino Congregation of Beijing International Christian Fellowship (BICF). If you are a Filipino and currently in Beijing, we’re inviting you to join us in our Sunday worship services. The Filipino Congregation is one of the 13 different congregations of BICF. The group is composed of Filipino Expats with diverse religious background yet unified in worshipping the Lord Jesus Christ. We have a regular service every Sunday from 11:30 AM – 1:00 PM at Chapel B, 21st Century Hotel, 2nd Floor, # 40 Liangmaqiao Lu, Chaoyang District, Beijing.. Prayer Meeting: Small Group Bible Study Nanshilijiu Area Tuanjiehu Area Special Interest Group Ladies Group
For more information about the Filipino Ministry please email: filipino(a)bicf.org |